August 8, 2024–Mariing pinabulaan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin M. Garcia ang mga ibinabato sa kanya na tinawag na smear campaign and demoliton job upang magbitiw sa pwesto na kung susuriin ay isa lang ang pinanggagalingan ng mga ito at nasugsog sa Smartmatic dahil sa mga tao at kompanya na nag uugnay sa dating kompanya ng makinarya na ginamit ng Pilipinas sa nagdaang halalan.
Naglabas ng pruweba sa press conference na sinagawa ngayong araw ang mga kawani ng COMELEC kasama si Chairman Garcia na kung saan binigay ang detalye mula sa mga deposit slips, address, companies at mga tao na involved sa transactions na lahat ay may kaugnayan sa Smartmatic upang masira ang credibilidad ni Chairman Garcia.
Hindi magbibitiw sa tungkulin si Chairman Garcia na kung saan binanggit n’ya na kung ang lahat ng nakaupo mula presidente hanggang sa mga opisyales ng barangay ay pukulan ng issue, edi lahat ay nawala na sa serbisyo kahit hindi totoo ang paratang.
Makikita sa presentation sa press conference na may dalawang bangko na sinulatan si Chairman Garcia na kung saan ay sya ay inuugnay. Pinakita dito na sya ay sumulat sa bangko at sumagot naman ang mga bangko na wala silang customer na nasa pangalan ni Chairman Garcia.
Ang mga issue na pinapakalat ng mga taong nag uugnay kay Comelec chairman ay sa kadahilanang iba ang nanalo sa bidding sa mga makinarya na gagamitin sa 2025 election. Isa pang rason ay sa napakaraming issue na nauugnay sa Smartmatic lalo na sa money laundering na kinasangkutan ng dating Comelec Chief Andres Bautista. Ang mga makinarya na gagamitin sa 2025 halalan ay na approve at naibigay ng Comelec sa Miru Systems.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento