Saturday, December 20, 2025
Noรณng 25 Nobyembre 2025 (Martes), isinagawa ang Organizational and First (Regular Meeting ng Special Committee on Persons with Disabilities ng House of Representatives sa People’s Center, Batasan Hills, Lungsod Quezon. Layunin ng pagpupulong na palakasin ang mga programa, batas, at patakaran para sa kapakanan ng mga Persons with Disabilities (PWDs) sa bansa, lalo na ang sektor ng mga Pilipinong Bingi.
Inanyayahan ang Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na si Atty. Marites A. Barrios-Taran kasama sina G. Patrick Bryan Q. Ablaza, Senior Deaf Advocacy Officer, Dr. Liza B. Martinez, Convenor, Filipino Sign Language National Network, Ms. Victoria Sakilayan, Vice President, Philippine Federation of the Deaf at mga interpreters na sina Bb. Aimee Gabrielle Adiwang at Bb. Edna Comia.
Sa pรบlong, inihain ni G. Ablaza ang dalawang mahalagang suhestiyon na naglalayong gawing mas pinag-isa at may direktang kaugnayan sa kasaysayan ng batas ang mga taunang Selebrasyon, ang pagbabago sa petsa ng Filipino Sign Language (FSL) Day at ang pagsasama-sama ng mga pagdiriwang para sa Deaf awareness.
Kaakibat nito, iminungkahi rin ni G. Ablaza ang pag-iisa ng iba’t ibang panukalang batas at proklamasyon na may kinalaman sa Deaf awareness. Sa kasalukuyan, may panukalang National Week of the Deaf (House Bill 3671) at mayroon ding umiiral na National Deaf Awareness Week tuwing–16 Nobyembre 10 (Presidential Proclamation No. 829, s. 1991). Ang layuning pagsamahin ang mga itรณ at gawing isang komprehensibong pagdiriwang na idadaos tuwing huling linggo ng Oktubre bawat taรณn.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento