SIMULA na ng pagpili sa mga bagong mandirigma ng kultura at sining Maharlika at Pilipino sa paglulunsad ng 2019 Gawad Bagong Bagani: Parangal at Pagkilala sa mga Pinoy Cultural Volunteers na proyekto ng Kalinangan TV at Group of Unified Youth for Social Change (GUYS).
Bagamat noong nakaraang buwan pa binuksan ang pagbibigay ng nominasyon, noong Linggo lamang, Pebrero 17, 2019 sa Coconut House restaurant, Quezon Memorial Circle pormal na nag-anunsiyo sa media ang Kalinangan TV at GUYS hinggil sa parangal na nabanggit. Ito ay upang mas mabigyan pa ng sapat na kaalaman ang publiko hinggil sa kung ano ba talaga ang Gawad Bagong Bagani at para saan ang parangal na ito.
“Ang pangunahing layon ng 2019 Gawad Bagong Bagani ay bigyan ng motibasyon at inspirasyon ang ating mga alagad ng sining upang mas lalo pang gumawa ng mga obra na nagpapayabong, nangangalaga at naglilinang sa tunay na kulturang Maharlika at Pilipino,” paliwanag ni Rjhay Laurea a.k.a. Rjhay Gwapito, direktor pang-ehekutibo ng Kalinangan TV.
Aniya, pangunahing layunin ng Kalinangan TV ang ikonekta muli ang mga Pilipino sa tunay nitong pinagmulan bilang mga Maginoo (tawag sa tribal royal families at nobles noong bago dumating ang Kastila) at Maharlika (mas mababang antas ng nobles na binubuo ng mga mandirigma at malalayang mamamayan ng mga kahariang katutubo).
Naniniwala si Laurea na sa ganitong paraan lang tunay nating maiaalis ang ugat ng mga kasalukuyang problema ng bansa.
“For us to heal our land, we must go back to our roots, we must acknowledged our real ancestors. Ito lamang ang paraan para magamot natin ang mga sugat sa lipunan ng ating bayan,” dagdag pa ni Laurea.
Dumalo rin sa isinagawang paglulunsad ang chairman ng GUYS-Unlad Kabataan Party (GUYS-UKP) ng CALABARZON Region na si G. Marvin Guiron, UNA senatorial bet G. Dan Roleda, at ang kaapu-apuhan ni Lakan Dula (ang huling hari ng Tondo bago ito nasakop ng mga Kastila) na si Propesor Sofronio Dulay I. Naroon din ang ilang vloggers at bloggers.
Katuwang din sa proyekto ang Quezon City Bayanihang Bayan, Sinebiswal, Ganda Negosyo and The Philippines Event.
Samantala, inihayag naman ni GUYS National officer-in-charge SK Kgd. Renz Jacquilyn Cruz na nakipagtuwang ang kanilang grupo sa Kalinangan TV dahil malaking tulong din ito sa mga kabataan na kanilang pinagseserbisyuhan.
“Kasi nga po, alam naman natin ang hilig naming mga kabataan ay culture and arts talaga. Gusto namin ng mga sayawan, kantahan, spoken poetry, paintings, drawings, fashion at marami pang iba. Basta sining, maaasahan natin ang mga kabataan,” sabi pa ni Cruz.
“Kaya naman inilalapit ng GUYS sa mga kabataan ang hilig nila at kasabay nun, iminumulat natin sila kung gaano kaganda at kahusay ang ating katutubong sining, ‘yung tatak katutubong Pilipino talaga, sa ganitong paraan, hindi lamang natin nailalayo sa masasamang elemento kaming mga kabataan, kundi natuturuan din kaming mahalin ang sariling atin at maging makabayan,” dagdag pa ni Cruz.
Ang 2019 Gawad Bagong Bagani ay may tatlong kategorya na mga sumusunod:
1. BAGONG BAGANI na isang parangal na ibinibigay sa manggagawa at artista sa iba’t ibang larangan ng pangkultura at pangsining na gawain na nagpamalas ng namumukod-tanging ambag sa pangangalaga, pagpreserba at proteksyon sa kultura at sining Pilipino, gayundin, sa pagbuhay ng diwang pagkamakabayan, pagkamakatao, pagkamakakalikasan, at pagkamaka-Diyos sa ating lipunan.
2. KAMPILAN NG BAGONG BAGANI na para sa mga sosyo-sibikong organisasyon, pribadong indibiduwal, ahensiya at opisyal ng pamahalaan na may mga pangmatagalang proyekto, programa, isinulong na mga batas at ordinansa na naglalayong pangalagaan ang kultura at sining Pilipino.
3. KALASAG NG BAGONG BAGANI na para sa mga pribadong indibiduwal, kumpanya at korporasyon na tumutulong, nangangalaga, umaalalay, nagbibigay proteksyon sa mga BAGONG BAGANI at katuwang ng KAMPILAN NG BAGONG BAGANI sa pamamagitan ng pag-isponsor at pagsuporta sa iba't ibang aktibidad na naglalayong payabungin at pagyamanin pa ang kultura at sining Pilipino.
Ang nominasyon ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe na may impormasyon ng ninonomina tulad ng pangalan at larangang kinabibilangan nito sa Facebook fanpage ng Kalinangan TV o mag-text o tumawag kay GUYS OIC Bb. Renz Jacquilyn Cruz sa numerong 09364610298, maaari ring ipasa na kaagad ang kartera o portpolyo ng ninonomina sa kalinangantv@gmail.com.i###
Kalinangan TV, GUYS Launches 2019 Gawad Bagong Bagani
THE search begins for new warriors of Maharlikan and Filipino culture and arts after the advocacy vlogsite Kalinangan TV and it’s community-based youth arm Group of Unified Youth for Social Change (GUYS) formally launched the 2019 Gawad Bagong Bagani: Parangal at Pagkilala sa mga Pinoy Cultural Volunteers.
Although the nomination already opened last month, the formal launching only happened last Sunday, February 17, 2019 at the Coconut House restaurant in Quezon Memorial Circle. The activity aims to increase public awareness about Gawad Bagong Bagani and the real purpose of the awards.
“Ang pangunahing layon ng 2019 Gawad Bagong Bagani ay bigyan ng motibasyon at inspirasyon ang ating mga alagad ng sining upang mas lalo pang gumawa ng mga obra na nagpapayabong, nangangalaga at naglilinang sa tunay na kulturang Maharlika at Pilipino,” Kalinangan TV executive director Rjhay Laurea a.k.a. Rjhay Gwapito explained.
The main objective of Kalinangan TV is to connect the present-day Filipinos to its original roots as the Maginoo (tribal royal families and nobles of pre-Hispanic Philippines) and Maharlika (a lower class nobility composed of warriors and free citizens of ancient tribal kingdoms).
Laurea believes going back to our past and honoring our ancestors is the only way to uproot the current problems of the country.
“For us to heal our land, we must go back to our roots, we must acknowledged our real ancestors. Ito lamang ang paraan para magamot natin ang mga sugat sa lipunan ng ating bayan,” Laurea said.
Present during the launching are CALABARZON-based GUYS-Unlad Kabataan Party (GUYS-UKP) chairman Marvin Guiron, UNA senatorial bet Dan Roleda, and the direct descendant of Lakan Dula (the last king of pre-Hispanic Tondo Kingdom) Prof. Sofronio Dulay I. Vloggers and bloggers also graced the occasion.
Other partners for the project are the Quezon City Bayanihang Bayan, Sinebiswal, Ganda Negosyo and The Philippines Event.
Meanwhile, GUYS National officer-in-charge SK Kgd. Renz Jacquilyn Cruz said they partnered with Kalinangan TV because it’s advocacy is a big factor in youth development.
“Kasi nga po, alam naman natin ang hilig naming mga kabataan ay culture and arts talaga. Gusto namin ng mga sayawan, kantahan, spoken poetry, paintings, drawings, fashion at marami pang iba. Basta sining, maaasahan natin ang mga kabataan,” Cruz pointed out.
“Kaya naman inilalapit ng GUYS sa mga kabataan ang hilig nila at kasabay nun, iminumulat natin sila kung gaano kaganda at kahusay ang ating katutubong sining, ‘yung tatak katutubong Pilipino talaga, sa ganitong paraan, hindi lamang natin nailalayo sa masasamang elemento kaming mga kabataan, kundi natuturuan din kaming mahalin ang sariling atin at maging makabayan,” Cruz added.
Among the categories of 2019 Gawad Bagong Bagani are the following:
1. BAGONG BAGANI is a recognition given to workers and artists of different culture and arts profession who showed a one-of-a-kind contribution to the preservation and protection of Filipino culture and arts, as well as giving life to the spirit of patriotism, humanitarianism, environmental protection and pro-God advocacies.
2. KAMPILAN NG BAGONG BAGANI is a recognition given to socio-civic organizations, private individuals, government agencies and officials who have long-term programs, projects, bills and ordinances that aims to preserve and protect the Filipino culture and arts.
3. KALASAG NG BAGONG BAGANI is a recognition given to private individuals, companies and corporations who helps, preserves, assists and protects the interests of the BAGONG BAGANI together with the KAMPILAN NG BAGONG BAGANI through sponsorships and support they provide to various activities which aims to enhance and develop Filipino culture and arts.
Nominations for 2019 Gawad Bagong Bagani can be done through a private chat message with the information of the nominee such as name and profession, send it to Kalinangan TV Facebook fanpage; send an SMS or call GUYS OIC Ms. Renz Jacquilyn Cruz at 09364610298; or send the nominee’s profile or portfolio atkalinangantv@gmail.com. ###
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento